i may be a happy girl when i'm with others, but please keep in mind, i am a also a person, full of emotions. i'm just fond pretending:))
Monday, December 6, 2010
Lilisanin na ang kinagisnang tahanan
Di ko alam kung dapat ba akong maging masaya kasi natupad na ng papa ko na magkaroon siya ng baging bahay o hindi. Lumaki ako na doon ako nakatira,oo,malapit lang naman yung dati naming bahay sa bago ngayon,kaso, andami kasing memories sa bahay na yun e. Dun kami lumaking magkakapatid. Witness yung bahay na yun sa pagunlad ni papa atng iba pa naming kamaganak. Dun namatay si lolo at si lola. Dun kame naglaro ng mga kaibigan ko nung bata pa ako. Dun kame nAgaaway ng mga kapatid ko. Dun kame nagsasamang pamilya kapag pasko,araw ng mga patay at kung may special gatherings. Saksi yung bahay na yun sa kalungkutan ko. Sa lahat ng nararamdaman nameng magkakapatid na hindi alam ng mga magulang namen, madame kameng nagawa sa bahay na yun, maraming aral na natutunan. Pero ngayon,lilisanin na namen, wal naman kaming magagawa. Ang hirap kasi, sa iabng place ka na gigising, na everytime na uuwi kame, iba na ang uuwian nameng bahay. Kung may puso lang yung bahay, sigurado at iiyak yun.mahirap pero kailangan:(
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment